Napamulagat si Natasha sa nakita. Nandito na nga ang bisita! Papalapit 
sa pwesto niya. Maingay na ang mga kalapit-bahay, mga lasing na kasi ang
 ilan at sinipulan ng mga ito ang dumaang dalaga. "Naku, ano pa kaya 
kung ako, baka bastusin ako lalo at ganito lang ang suot ko", aniya,
Baluuutttt!!!
Tapos
 na yatang bentahan ng magbabalot ang mga ito kung kaya't tumayo na para
 magpatuloy ang lalaki. Sa sapantaha ni Natasha ay nasa eda 45 hanggang 
55 ito, pero pwede ding nasa late thirties to early forties kung 
ikukunsidera na napapatanda ng kahirapan ang tao.
V I S I T O R
Papalapit
 pa lalo ang bisita. Mukhang isa lamang ang ipapadala ni MyMaster. Bakit
 parang nanghinayang siya? Sabi kasi doo nsa text ay "mga bisita". Hindi
 ba ibig sabihin nun ay higit sa isa ang darating? Bakita parang isa 
lang? Pero hindi ba ibig sabihin nun ay lesser violation? Ha, ewan na 
lang kung bakit naglalaban ang isipan niya kung matutuwa o malulungkot 
na isa lamang ang bisita. Dapat pa nga siyang magalit dahil hindi naman 
niya ninais magdaos ng Pasko sa piling ng taong hindi niya kilala, bakit
 tila nagagalit siya dahil isa lang ang ipinadala?
Sa kabilang 
bahagi naman ay naroroon pa ang mga batang galing kanina sa kanya, 
nagpapatuloy ng pangangaroling. Sa kanto naman ay makikita ang isang 
lalaking tila kararating lang mula sa biyahe, may dala itong malaking 
bag.
Baluuuuttt!!
Tinawag ng lalaki ang magbabalot at 
kumuha ng ilan, tila magpapalakas ng tuhod. Pilya na talaga ang isipan 
ni Natasha sa mga sandaling ito dahil kanina pa kinakain ng excitement 
ang katinuan niya.
Baluuuuttt!!
Patuloy na ang magbabalot 
sa palahaw ng ibinebenta ilang bahay na rin ang nalampasan nito mula sa 
umpukan kanina. Ang lalaki naman bumili dito ng balot ay nakadungaw sa 
isang tindahan, kumuha ng alak.
V I S I T O R
May isang 
taksi na huminto sa tapat ng pintuan niya at napatingin siya sa bumabang
 mama. matangkad ito, tila atleta. Nagpalinga-linga ito at napatingin sa
 bukas na pintuan sa dako ni Natasha. Naglakad ito patungo doon.
Samantala, isa sa mga nasa umpukan ang tumayo at naglakad patungo sa dulo, sa bahagi ni Natasha.
V I S I T O R
Malinaw
 ang nakikita ni Natasha, nandito ang bisita niya. Kinawayan ni Natasha 
ang kanyang bisita. Pinong ngiti ang ibinigay niya dito at tila naumid 
ang dila ng lalaki at hindi makapagsalita. Tiningnan nito mula ulo 
hanggang paa ang dalagang kumaway sa kaniya at napalunok pa siya ng 
ilang ulit, lalo pa nang tinanggal ng dalaga ang jacket nito at palapit 
sa kaniya. Banaag niya ang katawan nito dahil tumatagos ang ilaw, na 
mula sa loob ng bahay, sa kanyang suot na daster. At ang daster, 
napakaiksi! Siguro kapag nakaupo ang babae ay halos hindi na matakpan, o
 baka naman kita na, ang dapat itago!
"Halika sa loob", nkangiti 
pa rin ang namumulang dalaga at inakay sa braso ang bisita niya. "May 
nakahanda akong luto na magugustuhan mo", sinadya niya niyang 
i-double-meaning ang pangungusap niya, para bang nanlalambing.
Siguradong mababanatan si Natasha ngayong Pasko! Lalo pang tumaas ang pananabik niya sa magaganap!
 



No comments:
Post a Comment