IF TOPICS YOU READ ARE OFFENSIVE TO YOU; OR IF ACCESSING THIS SITE CAUSES YOU TO BREAK LOCAL LAWS, PLEASE LEAVE THIS SITE IMMEDIATELY!

Tuesday, August 30, 2016

Teacher Natasha part 31

Nang makabawi ng lakas ay nagdamit na si Natasha at nagpaalam na aalis na. Gusto pa sanang humirit ng lalaki na isa pa pero hindi na hinayaan ng babae na makapagsalita pa ito. Gayong nag-enjoy naman si Natasha ay hindi pa rin niya makuhang matuwa at payagan ang sarili na palagi na lamang ganito. Oo, siguro nga malibog siya. Pero hindi dapat nangyayari ang ganito na kung kani-kanino na lamang siya pumapayag magpagalaw. Kapag nalaman niya kung sino ang MyMaster na yan, hahainan niya ito ng giyera!

Wala pa rin siya sa sarili at hindi na niya namalayang nakauwi na pala siya. Malalim at mataman ang pag-iisip niya, kanina pa. Hindi na siya makapapayag na sunod-sunuran na lamang siya sa kung sinumang gumagamit sa kaniyang nakaraan para mapasunod siya.

Nakaisip na nga siya ng gagawin: kailangan niyang maalala kung sino ang mga nakakaalam sa pangyayari noong estudyante pa lamang siya at malasing, nang maging wild siya kasama ang mga exchange student na europeo. Si Alicia, para namang walang maalala tungkol doon dahil kapag nagsasalubong sila dati ay parang wala lang. Napapisip siya kung sino pa ang mga naroon nang gabing yun.
Pero mukhang hindi rin gagana iyon dahil may mga bago nga palang kuha si MyMaster sa pakikipagtalik niya. Nang huling beses na makausap niya ito sa chat ay may ipinakitang larawan niya habang kinakana siya ni Manong Paul sa mesa. May larawan pa nga dun kung saansi Natasha ang nakaibabaw sa isang lalaki, at may isa pang kuha kung saan may basket ng balut sa bandang ulunan ni Natasha, na nakahiga sa isang sofa na nakatumba, habang kinakana ng kung sino.

Parang wala na nga siyang kawala sa kamay ni MyMaster. Gayunpaman, desidido na siyang malaman kung sino ang taong ito, na ginagamit ang kahinaan niya para sa sariling kasiyahan.
Dahil bakasyon na at hindi naman kumuha ng summer load si Natasha, napagpasiyahan niyang umuwi sa probinsiya. Eksakto dahil sa buwan na ito ang kaarawan ng ama at kasal naman ng pinsan niya.
Inaasahan na niyang may kalokohan na naman si MyMaster sa biyahe o basta kung saan man. Hinahanap na niya kung saan ang paper bag at ang maliit na papel ng utos, na nakasanayan na rin niya. Wala siyang nakita sa loob ng bahay kaya naman nagpatuloy na lang siya sa paglabas at ini-lock at kandado pa ang bahay.

Marami pa ring umuuwi pero maluwag ang mga bus. Gustong-gusto niya ang mag-commute sa biyahe dahil mas nararamdaman niya ang paglalakbay. Pero ngayon, lulan siyang isang Expedition. Sa ama niya ito. Nagkataon kasing may conference na pinuntahan ang ama at dala nito ang tatlong sasakyan, kasama ang isang pinsan niya at ang mga driver (pati bodyguards, malamang).
Mapagkakatiwalaan naman ang naatasan ng ama na maghatid sa kaniya. Si Mang Pidel, tumanda na sa serbisyo sa ama. Dati ay tagatimpla ng kape noong nasa munisipyo pa. Noong bata siya, ito ang naging tagahatid-sundo sa kaniya.
Naputol ang pag-iisip ni Natasha nang huminto ang sasakyan. "Mag-CR lang po ako saglit ma'am." Magalang na paalam nito. Halos 55 na siguro si manong. "Sige lang po manong", matipid na ngiti namang ang sagot ni Natasha. Pero sa isip niya, nag-aalala siya na baka mamaya ay maisipan ni MyMaster na gamitin ang pagkakataong ito para makagawa ng kalokohan. Baka mamaya, ipagalaw siya kay manong. "Huwag naman sana!" napalakas ang usal niya.

Nagpalinga-linga siya sa paligid habang naghihintay sa tsuper. Plaza Luisita na pala ito, sa Tarlac. Ang bilis din ng biyahe, pero hindi pa sila nangangalahati pauwi. Wala namang sinuman na malapit dito.Puro sasakyan lang din, at karamihan ay walang nakasakay. Sa iba't-ibang dako ay makikita ang mga grupo ng pamilya, barkadahan, at kung anu pa - nagpipiknik. Sabagay, tanghali na rin.

"naku, sorry ma'am. Natagalan yata ako. Ang daming tao e. Heto po alam ko favorite niyo yan", ani Mang Pidel. Iniabot nito ang classic jolly hotdog sa dalaga.
"Wow! Hindi niyo talaga nakalimutan manong ha. Salamat po" Tuwang-tuwa ang dalaga sa tsuper. Noon kasi tuwing papasok siya o minsan pag-uwi ay dumaraan muna sila sa fastfood chain na nagtitinda nun, at iyon parati ang order ni tasha.

Maliban sa ilang mga paghinto para magrestroom o kumuha ng makakakain ay diretso na at tahimik ang biyahe nila. Mag-aalas siyete na ng gabi nang sapitin nila ang bungad ng tahanan. Malaki ito, mula tarangkahan hanggang sa may pool ay may layong 20 metro at mansyon ang nakatirik na bahay sa dakong kaliwa ng pool.

Ang mga katiwala nga at mga manggagawa nila roon ay may mga bahay sa gilid, mga 40 metro mula sa hardin ang layo; ipinatayo ng ama niya para daw hindi na mahirapan ang mga ito. Marespeto naman ang mga ito at hindi nagmalabis.
"Sige na ma'am, ako na po ang bahala sa gamit mo", alok ni Manong Pidel.

"Naku, ako na po manong, magaan lang naman yan at kakaunti ang dala ko tutal marami naman akong gamit rito." magalang ang dalaga kahit na amo siya rito.
Siya namang paglabas ng Mommy niya. "Tasha, nandito ka na pala. Halika at nandito ang mga pinsan mo, sumabay ka na sa dinner. Oh, bakit ikaw pa nag nagbuhat ng bag mo ay ang dami namang mautusan riyan. Ikaw talaga anak, hindi mo ba matanggap na mayaman ka?" As usual, ang mommy niya, may pasaring na naman sa pagiging simple at mababa ng anak. Ayaw lamang naman kasi niya sa ganon kalakaran na pati ang mga bagay na magagawa niya ay iuutos pa sa iba.

Puro pagbati, tawanan, kuwentuhan, at kumustahan ang inatupag nilang magpipinsan sa gabing ito. Gayong masaya siyang makita muli ang lahat ay ayaw lamang niya sa nabubuong ika nga e ere ng pasosyalan. Nariyang mag kuwentuhan sila tungkol sa gaano kasosyan ang mga bag o sapatos nila, kung saang bansa sila namasyal, etcetera. Maliban naman doon sa pasosyal effect ay mababait ang mga pinsan kahit sa mga kasambahay nila.
Natapos lamang ang mini-reunion ng magpipinsan bandang alas dos na rin. Napagkatuwaan kasi nilang magbabad sa maligamgam na tubig ng indoor pool nila. Kasama pa nga nila ang ilan sa mga anak ng helpers doon. Ang mga ito ang naging kababata at kalaro na rin nila.
Sa mga pinsan niyang lalaki, pinakamalapit sa kaniya ang psychologist na si Wendell. Apat na taon ang tanda nito sa kaniya. Sa mga babae naman ay si Ayen, na wala rito pagkat busy pa sa pinagtuturuan, ayon sa asawang si Mando (na nakatalik na ni Natasha dati, sa Teacher Natasha chapter 9 naintroduce)
Kinabukasan ay sinimulan na ni Tasha ang pagkalkal sa mga gamit niya noong kolehiyo pa lamang siya. Baka sakaling makakuha siya ng impormasyon na magtuturo kung ano ang koneksyon ni MyMaster sa pangyayaring iyon na nagsimula sa lahat ng ito.
Mabuti na lamang at maayos siya mag-imbak ng mga gamit. Nasa kondisyon pa maging simpleng mga seat work niya noon at natatawa siya sa mga maling sagot niya doon. May sagot pa siya na "ewan ko hindi ko alam" at "wala akong pakialam diyan, hindi yan importante"

Nakarating na siya sa mga larawan at dito malamang siya makahanap ng kahit anong magpapakita ng koneksyon. Ano nga ba ang sabi ni MyMaster dati, may alam daw ito pati sa itinatago ng ama niya? Ano kaya ang itinatago ni COngressman?

Wala naman siyang makitang mga larawan dito na konektado sa gabi ng party na iyon, maliban sa isang group picture nilang 4 na magkakaibigan - si Alicia, si Olive, si Samantha, at si Natasha - kasama ang tatlong european exchange students. Kuha ito sa bowling alley, hindi sa silid kung saan namalayan na lang nilang may nangyari na. Sa mga nasa larawan, wala ni isa ang naiisip niyang makakagawa niyon.

Imposibleng si Alicia dahil ito ang pinakamabait. Kaya nga ba hindi naituloy ang dating naisip niyang ibigay sa mga estudyanteng pabagsak dapat pero pumasa dahil sa pangako niya. Mabuti na lamang at naging busy ang mga basketball player na yun, kung hindi, nagalaw siya ng mga ito. Nasa PBA na nga ang isa sa kanila at ang tatlo pa ay patapos na rin ng kolehiyo, busy sa thesis.

Imposible namang si Olive, na naalala niyang unang nakatulog nang gabing iyon at siyang unang nagalaw. Siya rin ang huling nagising noon.
Alangan namang si Samantha, na nasa Norway sa loob ng nakalipas na 5 taon. Kahit ang mga Europeo naman, hindi magagawa ito. Ni hindi alam ng mga ito kung paano managalog.
At pawang tagalog ang mga utos ni MyMaster sa mga munting tarhetang kung saan-saan na lamang nakikita ni Natasha.

Nakita rin niya dito ang larawan nila ng isang bata. Mga sampung taon pa lamang siya sa larawang ito at karga niya ang isang sanggol. Kung tama ang pagkakaalala niya ay pamangkin niya ito sa pinakapanganay na pinsan. Tama, si Alice nga yata ito. Balita niya ay sa PUP pumasok.

Nagpatuloy pasiya sa pagkalkal sa mga gamit pero wala talaga siyang maapuhap na magpapaalala sa kaniya ng kahit ano ukol sa gabing iyon, o anumang magtuturo sa kaniya kung sino si MyMaster. "Hayyyyy" napabuntong hininga na lamang ang dilag.
Eksaktong nakapagligpit siya ng mga gamit ay narinig niya ang pamilyar na tunog. Tunog iyon ng kampana sa may hardin. "Hanggang ngayon pala ay ginagamit pa rin yan", aniya sa pinsang si Jade na kalalabas ng silid kasama ang kuya nitong si Wendell. kapag pinatunog na iyon, ibig sabihin ay sampung minuto na lamang bago ang hapunan. nasanay na silang sabay-sabay naghahapunan ang lahat ng nasasakupan ng bakod, mapaamo man o katulong.

Masaya ang bakasyon, at saglit niyang nakalimutan ang problemang nagtatago sa pangalang MyMaster.
"Sharpshooter ka pa rin iha!" naibulalas ni Congressman Colvine nang matapos bumaril ni Natasha. Sapul lahat ang mga target.

Nagkayayaan kasi ng shooting tutal daw ay may mini-reunion at nagdatingan ang karamihan sa magpipinsan. Naroon pati ang madalang umuwi, kabilang ang dalawang nagtapos sa PMA.

"You should have gone to PMA instead of education" halos pasinghal na pagpapatuloy ng ama ni Natasha. Tinawanan lamang nila ang komento ng Congressman. Alam naman nilang hanggang sa ganoon na lamang ang magagawa nito matapos na ipaglaban ni Natasha ang kagustuhan at pangarap niya - ang pagtuturo, ang kalayaan ng pag-iisip.

"Si John, PMAer na kulelat pa rin", buska naman ni Wendell, na ikinatawa ng lahat. Sabi naman ni John, "pinagbibigyan ko lang kayo, at saka hindi ako pistol expert. Bigyan niyo ako ng mahaba"

"hahaha sige sige ako naman", ani Raniel, na nagtapos na isa sa pinakamahusay sa klase sa PMA. Naitumba niya ang lahat ng target, maliban sa isa, kapos para pantayan ang puntos ni tasha

"Iho, talo ang PMAer ng isang teacher?" birong buska ni Congressman kay Raniel, na napangiti na lamang. Mga teenagers pa lamang sila ay nakita na ang kaalingan ni Natasha sa pagbaril. Dahil roon ay inasahan nilang papasok ito sa PMA, gaya ng marami sa angkan nila. Pero iba nga ang nais ng puso nito.

"O siya, doon naman tayo tumambay sa palaisdaan!" Masigla ang pagyakag ni Charmie sa mga pinsan. Dati ay naglalagi sila sa palaisdaan. Tumatambay sila roon, nagkukuwentuhan, minsan naglalaro. At ngayon, malamang ay magbalik-tanaw. karamihan kasi sa kanila ay lambas 20 anyos na. Si Kathy ang pinakabata sa edad na 18.
Gayon na nga ang nangyari, sumama si tashasa mga pinsan. Pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya rito sa lugar na ito, hndi kagaya pagbalik niya sa trabaho. Kanina nang makahawak ulit siyang baril ay naisip niyang kailangan na niyang magdala palagi ng ganoon para pangdepensa kung sakaling may maisipan si Mymaster.
Masaya silang nagkukuwentuhan sa may pilapil, naglalakad-lakad at maya pa'y napatambay sa ilalim ng malaking puno roon. Masigla pa nga ang kuwentuhan.
"oh, ate tasha, bakit ang tahimik mo at parang namumutla ka?" Si Charmie ang nakapansin sa dalaga.
"Ha, e wala.. wala.." Pagsisinungaling ni Natasha. Ang totoo, may nakita siyasa daan kanina. Isa iyong maliit na papel, kaparehong-kapareho ng ginagamit ni MyMaster. Hindi naman niya nadampot dahil mapapansin tiyak iyon at baka mamay ay may kung anong nakasulat roon. Hindi nga ba't nasabi ni MyMaster na may alam ito ukol kay Congressman Colvine? "Napagod lang siguro ako o nabigla. Hindi naman kasi ako madalas lumabas sa Maynila", patuloy pa niyang sagot kay Charmie.

"Ano ka ba, baka namimiss lang niya ang boyfriend niya", tudyo naman ni Jade. Inayunan naman ng lahat iyon at hindi na lang sumagot si Natsha, ngiti na lang ang sagot para hindi na humaba ang usapan tungkol sa kaniya. kapag kuwa'y nagkunwari siyang interesado sa mgaisdang nagtatalunan pa nga sa tubig. Matagumpay naman dahil napatuon silang lahat sa palaisdaan.

Nariyang magpakain sila dito, o maghagis ng tinapay doon. May kumukuha pa ng mga larawan sabay post kaagad sa Facebook.
Nang mapagod ay nagkani-kaniyang uwi na ang iba. Nagpatiuna na rin si Natasha na tumanggi sa alok ni Wendell na sasamahan na siya. BInalikan niya ang papel na nakita iya sa gilid ng daan kanina. Hindi na muna niya tiningnan ang laman nito hanggang sa makabalik sa silid.

Hindi siya nagkamali, isa ito sa mga sobre ni MyMaster. Nakumpirma niya ito nang itabi sa pinakabagong natanggap na sobre. "Teka, bakit meron nito dito. Hindi kaya, isa sa mga nakatira dito si Mymaster?" Napabulalas si Natasha. "Pero, wala ni isa man sa mga naririto ang nakakaalam sa pangyayari noong kolehiyo pa ako." Napapalalim ang isip niya.
Isa lamang ang sagot sa mga tanong ngayon, ang buksan ang pinulot niyang sobre. Unti-unti niyang binuksan iyon at napapikit nang mailabas ang papel na nilalaman. Unti-unti rin siyang nagbukas ng mata at binasa ang nakasulat, na ikinagimbal niya:

"Ako ang iyong Master, hindi mo ako matatakasan. Kahit saan ka magpunta, my dear tasha, akin ka lamang.

kasabay ng birthday ng ama mo, birthday din ng ninong mo. habang magdiriwang ang ama mo sa bakuran niyo ay may pribadong pagdiriwang ang ninong mo kasama ang ilang piling bisita, kabilang ang ama mo, siyempre, dahil gabi pa gaganapin iyon.
Gaya ng dati, nasa paper bag ang isusuot mo, at huwag mong kalilimutan na ikaw ang regalo. Alam mo na ang gagawin mo pagdating mo sa bahay ng ninong mo"
!!!!
Hindi makapagsalita sa gulat ang dalaga. Gagawin pa siyang panregalo sa sariling ninong. At ang mas masama pa, naroon ang ama niya at siguradong may kilala pa siyang iba roon.
Paano na si Natasha?!
Mabilis na sasapit ang araw na kinatatakutan ni Natasha. Nakita na niya ang paper bag na naglalaman ng mga gagamitin raw niya para sa kaarawan ng ninong niya. Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang hindi aabot ang dad niya dahil maraming mga kapwa kongresista na ang nagdatingan at darating din daw ang pangulo. Kanina pa naman nagpaalam ang ninong niya na uuwi naman para asikasuhin ang sariling pagdiriwang.

Lihim namang nauna na si Natasha. Gamit ang susing nakita niya sa paper bag ay pumasok siya sa rest house ng ninong na siyang pagdarausan ng kaarawan nito. Nanginginig ang bawat lapay sa katawan ni Natasha. Hindi niya malaman kung matatakot siya, magagalit, o masasabik.

Sa bandang gitna ng living room ay may kahon, na tila gift box ang porma. Inusisa niya ito at nakita nga ang isang munting tarheta ulit na paniguradong galing kay MyMaster. "mahusay ka talaga, alam mo na ang gagawin", nakasaad doon. Nang hilahin niya ang card ay bumukas ito ng kaunti, sapat para makapasok siya. Doon na rin siya nagbihis. Suot na niya ngayon ang maskarang hugis paru-paro at ang kasuotang nagpapalitaw sa kaniyang mala-diyosang kagandahan. Think before you speak

May naulinigan siyang dumating kaya todo na lamang ang kabog ng puso niya. Hindi halos siya gumagalaw at halos pigil ang hininga. Mataman niyang pinapakinggan ang usapan sa sala.

"Oh, kanino galing tong kahon? Matutuwa ba ako diyan? Ang laki naman nito. Ano to mga barrel ng alak?" Narinig niyang biro ng ninong. Siguradong ang pinapatungkulan nito ay ang kahon kung saan naroon si Natasha.

"Aba, mamaya mo na asikasuhin yan Mayor. Ang tanong e kung narito na ba lahat ang mga inaya natin dito at kung darating ba ang mga babaeng inorder natin. Naku, mapapalaban ang manoy ko nito" Narinig niyang bulalas ng isang tila kaboses ni Kagawad Perez. Sa dinig pa niya ay tila dumarami ang parating. Kung anu-ano pang mga ingay ang naririnig sa labas. May mga babae din na hindi naman yata mga misis ng mga nagdatingan. Malamang ay mga kabit, o mga bayarang babae mula sa escort service.

Maya-maya pa ay narinig niyang tila nag-uumpisa na ang mga ito. Kung tama ang pagkakatingin niya kanina ay nasa gitna ang kahon na ito, at paikot ang mga tao, na tiyak nag-iinuman. "Gaano katagal ba ako dito?" naisip niya. Nakaupo na siya sa gitnang bahagi ng box, kagaya sa nakasaad sa isang bahagi nito.

Sa halos 30-minuto mula nang magsimula ang pagsasalo ay naririnig niyang nag-aalisan na ang iba dahil pupunta pa daw sa birthday naman nd dad niya. Sa hinuha niya ay may 6 na lamang ang naiwang lalaki at may ilang babae, siguro tatlo. "Pare ang ganda naman niyang uupakan mo, saan mo nakuha yan?" narinig niyang untag ng isang kaboses ni Kapitan. "Ahh, eto, niligawan ako nito." Pabiro namang sagot ng isang ang boses ay mailalagay sa bandang 30-35 ang edad.

Napaayos siya at nagpalit ng puwesto sa pag-upo sa pangangawit. Gaano katagal ba siya maghihintay dito?

"Mayor, magbukas ka na lang muna kaya ng mga regalo? Pagabi na rin naman e. Mamaya pa yata darating yung sinabing mga babae na sasayawan tayo." Si Kapitan uli iyon.

"Aba'y oo nga ano? Mabuti pa nga. Umpisahan ko sa maliit" si ninong. Think before you speak

Napaayos muli ng upo ang dalaga. Baka biglang buksan ang kahon na ito, mabuti na iyong handa. Sinigurado niyang hindi siya makikilala sa suot na maskara. Ang suot niya ngayon ay yung tila ba pang belly dancing. Pero hindi siya marunong magsayaw ng ganoon. Litaw ang makinis niyang tiyan at halos pumutok an pang-itaas dahil gustong lumabas ng hinaharap niya. Samantala naman sa ibaba ay ang see-through na purple, ewan kung ano ang tawag doon. Basta ang tingin niya ay parang hindi naman nakakatulong iyon. Nakapanty din siya na kulay purple. Napakasixy niya na tiyak makapanlalaway.

Napapaisip talaga siya sa kung ano ang dapat niyang gawin pagbukas ng kahon. Naiisip niyang sasayaw na kagaya ng sa mga napapanood niya. Pwede ring tumayo lang siya doon at mang-akit na lang, tutal naman ay siguradong matutulala ang mga ito. Sanay na siyang ganoon ang reaksyon ng mga nakakakita sa kaniya, lalo na kapag yaong mga kagaya nung magbabalut at ni Manong Pol.

Nang malala niya ang mga ito, pati ang ibang mga nakatalik ay tila may kiliti siyang naramdaman sa katawan. Sa madaling salita, naalaal ng katawan niya, pati ang libog na hatid ng mga ito s kaniya. Nag-iinit na naman ang katawan niya. Nasa gayon siyang pag-iisip nang parang gumalaw ang kahon. Bubuksan na yata?!

(Kapag iginoogle search ang "arabian harem girl" ay makikita ang mga kaparehas ng damit na suot ni Natasha sa loob ng box)

Sinagilahan ng takot at pangamba ang dalaga nang mapansing gumagalaw ang kahon. Kapag binuksan ito, at pinilit siyang tanggalin ang maskara, paano na?
"Oh, mamaya na siguro itong malaki pagdating ni gov." Hindi alam ni Natasha kung matutuwa ba siya o matatakot sa sandaling panahon na pagkaantala ng pagbubukas sa kahon. Pakiramdam niya ay nabubuobuo ang mga gabutil na mga pawis, kahit ang totoo naman ay walang pawis dahil air-conditioned ang buong bahay, tagos sa kahon. Isa pa, hindi naman kasi siya pawisin.

"To talaga si kap, basta sa babae hindi nagpapahuli. Binanatan na yung iniwan ni Kagawad o" Narinig niyang sabi ng isa sa mga kalalakihan doon.

Pinakiramdaman niya ang nangyayari sa labas ng kahon. Naririnig niya ang mga impit na daing at ungol mula sa bandang kanan, na nahihinuha niya na nasa gawi malapit sa pintuan. Sumilip siya sa maliit na utas na nakita niya at kaniyang namalas na nilalamutak na nga ni kapitan ang dibdib ng isang babaeng may kagandahan din naman. Samantala ay may naghahalikan rin malapit lang doon at sa isang sulok, na kalahati lamang ang nakikita niya, ay parang nakaupo paharap ang isang babae sa lalaking sa tingin niya ay isa sa mga kapartido ng ninong niya.

Sa nakita ay napaisip siya at maraming mga eksenang tumatakbo sa isip niya. Inilagay niya ang sarili sa posisyon ng mga babaeng nakita niya. "Paano kung magsabay sila?" muntik nang mapalakas ang pagkakasabi niya. "Teka nga bakit ba parang tanggap ko na naman ang mangyayari dito. Dapat walang mangyari. Susubukan ko na lang na galingan ang sayaw at tumanggi na magalaw nila ako. iww never" sigaw ng isipan ng dalagang guro.
"Ungghh ang sarapppp" Narinig pa niya ang halos pahalinghing na bulalas ng isang babae. Sinilip niya ito agad at nakitang "kinakain" ng isang lalaki ang ari nito habang "nilalapa" naman ng isa pa ang mapuputing mga s*s* na sa tingin niya ay maaaring nagdaan sa operasyon. "Sa akin, mas maputi at mas magandang boobs, hindi pa operada" Hindi na niya napansin na ang dating ng naisip niya ay nais niyang siya naman ang asikasuhin ng mga lalaki sa labas.

Pagsulyap niya doon sa gawi ni Kapitan ay nakita niyang isinusubo na ng babae ang naghuhumindig at malaki ring b*r*t nito. Habol-habol ni Kapitan ang hininga habang pinag-iigi ng babae ang pagtsupa dito. "Ughhh ngghaaa hmmoooooohooooo" Halos palahaw ni Kapitan. "Ang galing mo miss, ang sarap mo tsumupa." Narinig niyang sabi nito nang saglit siyang tantanan ng babae. Ang pangatlo namang babae ay nakadapang binoblowjob din ang isang di niya makilalang lalaki, pagkat di na makita sa butas mula sa kahon. Samantala ay kinakana naman ito ng isa pang lalaki na din niya kilala, galing sa ilalim.

Ang nipol niya ngayon ay tayung-tayo, hindi niya malaman kung sa excitement o sa ginaw na tumatagos. "Orgy ang nagaganap sa labas! Naku, lagot na! Sana naman hindi gawin sa kaniya ang kahayupang napapanood niya ngayon. Si niong kaya, nasaan?" Hindi na lang takot ang nasa isipan niya ngayon. Umaandar ang oras, at papalapit ang kinatatakutan niyang pagbukas sa kahon.

Lumaki siyang mabuting babae. Ni hindi siya pinadadapuan ng lamok noong bata pa siya. Ang mga umaaligid na lalaki ay nasisita agad ng bantay niya, sa utos ng ama. Ngayon, kung sinu-sino na ang nakapaglunoy at nakapagpasasa sa katawang tunay namang mala-diyosa.

Ngayon, tila siya main course sa menu ng birthday ng ninong niya, at mga teaser ang mga babae sa labas ngayon. Main course, na naghihintay lamang ng oras para maihain na.
Hindi ito dapat mangyari! Nasa sarili siyang pamamahay at baka kapamilya naman ang makakaiskor sa kaniya. Kinailangan ng matinding konsentrayon ng dlaga para bumitaw sa sarap na naipadarama ng mapagpalang kamay.

Bumalikwas siya at akman susunggab ng atake sa kung sinuman na nasa silid. Madilim ang paligid, malamig ang sioy ng air conditioner. Sarado nama nang mga bintana, na sinisilipan ng liwanag ng buwan, sa kabila ng pusikit na magdamag. Wala rin siyang narinig na yabag kung kaya't inisip niyang nasa silid pa ang lapastangan. Dahil kabisado naman niya ang silid niya ay mabilis siyang tumalon mula sa kama at gumulong palapit sa pintuan, binuksan ang ilaw at hawak niya agad ang night stick na dekorasyon roon.

Wala! Walang ibang tao sa silid ung hindi siya lamang. Marahil ay nanaginip siya kanina, o baka naman... si MyMaster na kaya iyon? May sa maligno kaya ang blackmailer niya?

Natapos rin naman ang pagbisita niya sa pamilya at panahon na muli para magpatuloy sa buhay, sa kabila ng panganib at panggugulo ni MyMaster. nakabalik naman siya nang walang insidente. Doon na rin naman siya sa bahay na ipinagawa ng Dad niya para sa kaniya. Hindi na siya tumanggi para naamn walang masabi ito. Baka mamaya ay magtalo na naman sila at sabihin nitong rebelde siyang anak.

Kagaya ng inaasahan, hindi nagparamdam si MyMaster sa simula ng pasukan. Umabot ang Hulyo nang walang panggugulong nagaganap. Pero sa sulok ng utak ng seksing guro, alam niyang nasa paligid lamang ito at naghihintay ng magandang pagkakataon. Kaya naman alerto at handang lumaban ang dalaga sakali mang magpakita ang hinayupak na blackmailer. Para saan pa ang mga napagdaanan at natutunan niyang self defense noon.

"Ma'am, ang sixy niyo talaga at ang ganda" text ito minsang abutan ni Natasha ang celphone niya na nakalapag sa mesa sa harap ng klase. Sumaglit siya noong lumabas para kausapin ang isang estudyanteng nagmula sa Korea - si Heeya. Napag-usapan nilang papasok ito bilang exchange student sa isa niyang klase at bahagyang late kaya may special permit ito mula sa dean. Pabalik nga niya sa klase ay sinalubong siya ng tunog ng cellphone niya at iyon ang mensahe.

Napakunot ang noo ng guro. "Wala namang nakakaalam sa klase ng number na ito", maang na bulong niya sa sarili. Ito ang numerong ibinigay ni MyMaster para dito raw siya nito kontakin.

Natapos ang maghapon na nagtatanong pa rin ang isipan ng dalaga pero ang tangi lamang na nakikita niyang posibilidad ay may nakialam sa cellphone niya kanina. Isa man sa apat na lalaki sa harapan ang may gawa nito. Think before you speak

Uwian na at halos gabihin na naman siya. Iniwasan niyang mapadaan roon sa kanto kung saan naganap ang insidente sa sekyu. Sinigurado rin niyang srado ang opisina. Dala ng traffic ay hindi na rin siya sumubok magtaxi pa. Para saan pa kung usad-pagong naman ang lahat. Sa bus siya sumakay, gawing harapan.

Pagbaba niya ay maglalakad pa siya ng kaunti at heto na siya sa tarangkahan ng tinitirhan. Tuwing ganitong darating siya sa bahay na walang nangyayari ay para siyang nabubunutan ng tinik sa dibdib. Lubhang mahirap ang palaging may inaalala o iniisip. Pero, hindi maiiwasan, sa dami ba naman ng mga nangyari na sa kaniya mula pa nang magsimulang manggulo ang damuhong mysterious blackmailer niya.

Kompleto ang gamit niya rito kahit na inayawan niya dati. May sofa, malaking TV, malaking ref, 4 burner stove, kamang sinlaki ng kama niya sa mansion ng ama, fully air-conditioned na lahat, may heater pa ang shower. Well, tinanggap na rin niya ang mga ito since benepisyo rin yan. Well-secured pa nga ang mga bintana at pintuan ng simpleng bahay na ito. Siguradong walang makapupuslit dito, kahit pa si MyMast....

Napatunganga si Natasha. Kanina ay hindi niya napansin pero may paperbag sa ibabaw ng mesa - at tarhetang doble sa laki ng dati.

"Welcome back"

Nang binuklat niya ang papel:

"Siguro naman ay nag-enjoy ka sa bakasyon mo. Mabuti naman at hindi mo nakalilimutan ang mga bilin ko sa iyo. Pansin ko lang na mas gusto mo na ngayon ang walang undies. Hindi ba't wala kang undies nang magswimming party kayo para sa kaarawan ng pinsan mo, ilang araw bago ka magbalik rito? At namasyal ka rin sa kabayana na walang undies?"

Sinagilahan ng matinding takot si Natasha. Paanong nalalaman ng taong ito ang mga nangyari doon. Nandoon nga kaya ito at nagmamasid sa buong panahon na iyon? Siya ba ang nangangapa sa katawan niya nang gabing manggaling siya sa resthouse ng ninong? At paano ito nakapasok ngayon sa bahay na ito?
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa kabila ng mangiyak-ngiyak na siya sa pangamba at takot sa mga nangyayari.

"Heto naman ang mga magagamit mo para sa susunod mong mga misyon. Alam mo na ang gagawin"

1 comment:

ADS

Other Links

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...